12 indibidwal, nawawala sa Catanduanes dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta ayon sa NDRRMC

Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng mga nawawalang indibidwal dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta.

Sa pinakahuling update, 12 indibidwal ang nawawala ngayon sa Catanduanes.

Sila ay mga residente ng Barangay Pananogan, Bato; Brgy. Cagdarao, Panganiban, Brgy. District 3, Gigmoto.


Wala pang detalye sa kung ilan dito ang lalaki at babae at kung ano ang edad ng mga nawawala.

Samantala, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na nagsasagawa na ng search and rescue operations sa mga nawawalang indbidwal.

Sa kasalukuyan, nakararanas aniya ng kawalan ng suplay ng kuryente sa Catanduanes kasama na rin ang mga lalawigan ng Quezon, Albay, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 9,235 na katao na naapektuhan ng bagyo sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).

5,704 sa mga apektado ang inilikas sa mga evacuation center.

Habang 3,504 naman ang pawang nakituloy sa kanilang mga kaanak.

Facebook Comments