12 kabahayan naabo sa sunog sa Cotabato City

Tnatayang nasa 12 kabahayan ang tinupok ng apoy sa sunog na nangyari pasado alas dos ng hapon kahapon sa Purok 3, Barangay Rosary Heights 9, sa lungsod ng Cotabato
Sa panayam ng RMN Cotabato kay Cotabato City Bureau of Fire Protection Spokesperson FO1 Aldrin Nara, nagsimula ang apoy sa pamamahay ng pamilyang Besmanos na mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan. Karamihan sa mga nasunog na bahay ay yari sa kahoy.
Sa kuwento ng may ari ng bahay may nakita silang lalaking nakapula ang damit na agad tumakbo na sa paniniwala nila ay sinadyang sinunog ang kanilang bahay.
Umaabot umano sa 400 libong piso ang danyos sa sunog na maari pang madagdagan habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments