12 kalsada at ilang tulay sa Luzon, hindi pa madaanan kasunod ng mga tumamang bagyo —DPWH

Nasa 12 pang kalsada ang nananatiling sarado dahil sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), apat sa mga kalsada ang mula sa Cordillera Administrative Region, pito sa Cagayan Valley, at isa sa Central Luzon.

Aniya, bunsod pa rin ito ng maataas na tubig-baha, pagguho ng lupa, mga nakakalat na debris, at mga bumagsak na puno at poste ng kuryente.


Dalawa ring tulay sa Cagayan Valley ang hindi pa madaanan ng mga motorista.

Habang tatlong bahagi ng national road sa Cordillera at Ilocos region ang sarado rin dahil sa paglambot at pagguho ng lupa.

Facebook Comments