12 kalsada kabilang ang ilan sa Metro Manila, sarado na sa motorista dahil sa epekto ng masamang panahon — DPWH

Aabot sa 18 na kalsada ang sarado ngayon dahil sa mga pag-ulan na dala ng habagat.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), tatlo rito ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR); 12 sa National Capital Region (NCR); dalawa sa Central Luzon at isa sa Western Visayas.

Dulot ito ng mataas na lebel ng tubig, putol na kalsada, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha.

Bukod diyan, 15 national road sections naman ang limitado lamang ang nakakadaan na mga sasakyan dahil sa baha, gumuhong lupa, bumagsak na puno, madulas na kalsada at nasirang kalsada.

Pito ang naitala sa NCR, lima sa Central Luzon, isa sa Calabarzon, at dalawa sa Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments