12 kaso ng bagong Omicron subvariant na EG.5, naitala sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 12 kaso ng bagong Omicron subvariant na EG.5 o Eris variant, sa bansa.

Ayon kay DOH Usec. Eric Tayag, mabilis makahawa ang naturang subvariant.

Gayunpaman, nanatili aniyang epektibo ang orihinal at bivalent vaccine laban sa banta ng malubhang epekto ng Eris variant.


Bagama’t wala pa aniyang nakikitang sensyales ang DOH na hahantong sa seryosong komplikasyon kung sakaling tamaan ng EG.5 variant ang isang tao ay kailangan pa rin mag-ingat ng publiko dahil nagmu-mutate ito.

Dagdag pa ni Tayag, patuloy nilang tinututukan ang mga pasyenteng may COVID-19, lalo na ang mga nasa ICU.

Matatandaang tinawag ito ng World Health Organization (WHO) bilang variant of interest dahil sa mabilis na kumakalat ang EG.5 sa iba’t ibang bansa tulad ng United States, Ireland, France, United Kingdom, Japan, at China.

Facebook Comments