12 katao, nag-positibo sa COVID-19 base sa testing na ginawa sa isang Subnational Laboratory sa Cebu

Labing dalawa ang nag-positibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa buong Visayas   base sa testing na ginawa sa Vicente Sotto Memorial Medical Center o VSMMC sa Lungsod ng Cebu.

May permiso na mula sa Research Institute for Tropical Medicine ang Vicente Sotto Hospital na magdetermina kung positibo o negatibo sa COVID-19 ang swab sample na isinumiti sa kanilang laboratory na itinuring na Subnational Laboratory ng RITM.

Ayon kay Dr. Junjie Suazola ng VSMMC, wala nang presumptive positive na COVID-19 case, kundi negatibo o positibo na lang ang pag-classify sa mga resulta.


Sinabi ni Suazola sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang pagpapalabas ng resulta sa COVID-19 dahil importante ito sa Containment Procedure ng mga lokal na opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments