Dumulog sa awtoridad ang labing dalawang katao matapos umanong mabiktima ng online investment scam sa Sta. Cruz, Ilocos Sur.
Kinilala ang suspek na isang 27 anyos na babae at residente sa bayan.
Ayon sa mga biktima, nahimok silang mag-invest sa suspek na nakilala nila online dahil sa malaki umanong investment na matatanggap.
Mayroon din umanong pinakitang written agreement ang suspek kaya lalong nahikayat ang mga biktima na mag-invest ng kabuuang P1, 126,500 simula April 2023 hanggang February 2025.
Nakiusap ang mga biktima na ibalik ang kanilang pera ngunit tumanggi ang suspek.
Kakasuhan ang suspek ng Estafa at paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments