2 kubrador, arestado ng QCPD

Arestado ang dalawang kubrador ng loteng matapos maaktuhan ng pinagsanib na grupo ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na nagpapataya kamakailan.

Ang operasyon ay kaugnay sa malawakang pag-aksyon na ikinasa ng QCPD laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal, batay na rin sa kautusan ni QCPD District Director Remus B. Medina.

Sa ulat ni PLTCol. Melgar A Devaras ng District Special Operations Unit (DSOU) na isinumite kay DD Medina, nahuli sa akto ang mga suspek na tumatanggap ng pataya mula sa mananaya nito sa ikinasang operasyon sa kanto ng Road 20 at Pariñas St., Barangay Bahay Toro, Project 8, Quezon City dakong 7:30 ng gabi nitong Abril 27.


Kinilala ang mga inaresto na sina Joselito Agno y Mangaya at Eric Daniel y Vega habang tinatanggap ang taya sa pamamagitan ng GCash ng mga operatiba ksama ang Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Gambling Task Force.

Batay sa ulat ng pulisya, dumagsa ang report sa DSOU mula sa mga residente ng nabanggit na lugar kaugnay sa lantarang operasyon ng loteng.

Ang mga naaresto ay sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended ng Republic Act 9287 o Illegal Number Game (‘Loteng’).

Facebook Comments