12 level 3 hospitals sa Metro Manila, nasa critical risk na ang ICU bed occupancy

Labindalawang tinatawag na level 3 hospitals sa Metro Manila ang binabantayan ngayon ng Department of Health at ikinokonsiderang nasa “critical risk” na pagdating sa occupancy ng Intensive Care Units (ICU).

Btay sa datos na ipinresenta kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ito ang dahilan kung bakit kinakailangan talagang magpatupad ng mahigpit na quarantine sa NCR.

Ang nasabing 12 na ospital ay ang


East Avenue Medical Center
Chinese General Hospital
Metropolitan Medical Center
Capitol Medical Center
Ospital ng Makati
Quirino Memorial Medical Center
San Juan de Dios Foundation
University of Perpetual Help DALTA Medical Center
UP-Philippine General Hospital (UP-PGH)
VRP Medical Center
V. Luna Medical Center
at St. Luke’s Medical Center

Dagdag pa ni Abalos, higit kalahati na ng mga nasabing ospital ang nasa 100 percent na ang kapasidad ng mga ICU beds.

Facebook Comments