Kabilang ang mga ng Benito Soliven, Cabagan, San Manuel, Cabatuan, San Mariano, Roxas, Jones, Alicia, San Mateo, Tumauini, Cauayan City at City of Ilagan.
Ayon sa IPHO, pinakamaraming bilang na naitala sa City of Ilagan na umabot sa 204 kung kaya’t patuloy ang panawagan sa lahat ng Local Government Units na information dissemination para makaiwas sa dami ng sakit na dengue.
Sa taya ng health authorities, lumobo ang kaso ng dengue noong nakalipas na June 2022 na nakapagtala ng 771 cases na bahagyang bumaba sa kasalukuyang buwan.
Tanging ang dalawang coastal town ng Dinapigue at Divilacan ang nananatiling zero cases.
Sa ngayon, nasa kabuuang 1,926 ang kaso ng dengue sa buong Isabela.
Hinimok naman ang publiko na sundin ang paglilinis sa kapaligiran para makaiwas sa sakit na dengue.