Pasok ang 12 lungsod sa Metro Manila sa 15 lugar na may malaking pagtaas ng kaso ng COVID-19, batay sa OCTA Research Group.
Kabilang rito ang lungsod ng:
Quezon
Manila
Pasay
Makati
Parañaque
Taguig
Caloocan
Pasig
Malabon
Valenzuela
Marikina
Navotas
Cebu
Mandaue
Lapu-Lapu
Sa ngayon, ang Metro Manila ay maituturing na “high-risk,” na may reproduction number sa 1.86 at may daily attack rate na 11 sa kada 100,000 populasyon at may positivity rate na 10 percent.
Maliban dito, tumaas din ng 50 percent ang overall hospital bed occupancy sa NCR habang ang occupancy rate ng Intensive Care Unit (ICU) beds ay nasa 65 percent.
Ang hospital occupancy sa Quezon City, Makati at Taguig ay pumalo na sa 70 percent habang ang ICU bed capacity sa Taguig, Pasig, Mandaluyong, Las Piñas, Muntinlupa at San Juan ay nasa exceeded 70 percent.
Nakitaan din ng grupo ng pagtaas ng kaso sa Antipolo at Cainta sa Rizal, Bacoor at Imus sa Cavite, Santa Maria sa Bulacan, at Baguio City habang ang Davao City ay nagkaroon na ng pagbaba ng COVID-19 cases.