Labing dalawang maswerteng obrero ang napasaya natin ngayong araw sa pagpapatuloy ng Oplan Tabang COVID-19 response ng RMN networks, RMN foundations at DZXL 558 Radyo Trabaho.
Kabilang na rito si mang Elvie Purisima, 64-anyos na tatlong dekada ng nagtitinda ng prutas sa Pasig City, ang nakatanggap ng special package at coupon para sa ating ‘Bisekle-Trabaho’ promo na ira-raffle sa Biyernes, August 28.
Ayon kay mang Elvie, kung siya ang papalarin sa ‘Bisekle-Trabaho’ promo ay magagamit niya ito sa pagtitinda ng prutas kung saan hindi na siya magtutulak ng kariton.
Ganito rin ang inaasam ni Ariel Dumadapat, 34-anyos ng Taguig City na naglalakad sa paglalako ng bluetooth speaker.
Aniya, malaking tulong ito sa kanilang pamilya kung siya ang papalarin na magbigyan ng mountain bike.
Habang ang construction worker na si Warrently Agbaga ay nangangarap din na manalo dahil magagamit niya ang bisekleta sa pag-uwi naman sa Caloocan City lalo na’t sa Maynila pa ito nagta-trabaho.
Ang Oplan Tabang COVID-19 response ay bahagi ng selebrasyon ng 68th anniversary ng RMN networks Inc., 8th anniversary ng RMN Foundations, Inc. at 2nd year anniversary ng inyong Radyo Trabaho katuwang ang Pfizer Philippines Foundation at ACS Manufacturing Corporation, makers of Shield bath soap at Unique toothpaste.
Bukas ang huling araw ng pag-iikot ng Radyo Trabaho team at abangan nyo sila sa Pateros at sa lungsod ng Mandaluyong at Makati.