Nasagip na ang 12 mangingisdang unang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Jolina sa Catbalogan City, Samar.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, nasagip ang 12 mangingisda sa Santo Niño, Samar matapos tangayin ng malalakas na alon ang kanilang sinasakyang bangka.
Patuloy naman aniya ang search and rescue operations sa limang mangingisda na nawawala rin sa Eastern Visayas
Umapela naman si Jalad sa publiko na laging makinig sa mga advisories ng NDRRMC at local government kaugnay ng sama ng panahon.
Facebook Comments