12 Mayor at 7 Vice Mayor, napaslang bago sumapit ang 2019 midterm elections – DILG

Manila, Philippines – Aabot na sa labing dalawang Alkalde ang napapaslang sa nakalipas na tatlong taon.

Ito ang sinabi ni Interior and Local Undersecretary Bernardo Florence sa kanyang pagharap sa senate public order and dangerous drugs hearing on political killings.

Ayon kay Usec. Florence, batay ito sa PNP matrix simula noong July 1, 2016 hanggang January 29, 2019.


At sa kaparehas na taon, pitong bise-alkalde na rin ang napapatay.

Sa panig ng pambansang pulisya, sinabi ni PNP Spokesman Senior Supt. Bernard Banac – doble na ang bilang ng mga patayan na may kaugnayan sa pulitika noong 2018 kumpara noong 2017.

Mula sa 19 na kaso na naitala noong 2017, umakyat ito sa 38 na political killings noong 2018.
Paliwanag ni Banac, tumaas din ngayon ang kaso ng political killings sa bansa dahil sa nalalapit na ang may 2019 midterm elections.

Kabilang sa mga napatay kamakailan ay sina General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, Trece Martires, Cavite Mayor Alex Lubigan, Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol at Ronda, Cebu Vice Mayor Jonnah John Ungab at Ako Bicol Partylist Rep. Rodel batocabe.

Facebook Comments