Aabot na sa ₱400 million na halaga ng binhi at punla ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa nasa 12 million households sa iba’t ibang panig ng bansa sa ilalim ng Urban Agriculture Program ng pamahalaan.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mahalaga ang urban agriculture sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Aniya, isang matagumpay na intervention ito lalo na at marami ang nagtayo ng sarili nilang urban gardens.
Ang urban agriculture ay isa sa praktikal at epektibong paraan para matiyak ang matatag na supply ng pagkain.
Isinusulong din nito ang social integration sa mga komunidad at eco-friendly methods.
Tiniyak ng DA na patuloy silang magbibigay ng technical assistance sa mga nagtatayo ng urban gardens.
Ang Urban Agriculture Project ng DA ay bahagi ng Plant, Plant, Plant Program na layuning magkaroon ng food security para sa urban families.