Mahigit na sa 12 milyong mga Pilipino ang nakatapos na sa second step ng rehistrasyon para sa Philippine Identification System (PhilSys) o National ID.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, kabuuan itong 12.1 milyong mga Pilipino.
Sa step 2 ng rehistrasyon, kinuha ang ilang biometric data tulad ng fingerprint scans, iris scans at front-facing photograph sa mga local registration centers.
Unti-unti namang palalawigin ang operasyon ng PSA para sa Step 2 registration at inaasahang sa katapusan ng Hunyo ay magiging nationwide na ang rehistrasyon.
Sa step 3 ng National ID, dito na ipapalabas ang PhilSys Number (PSN) at ang physical ID (PhilID).
SA ngayon, batay sa tala ng PSA, aabot na sa 500,000 National ID cards ang naimprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan nasa 75,000 cards na ang nai-deliver.