Binabantayan ng OCTA Research Group ang patuloy na pagtaas ng average daily COVID-19 case sa Metro Manila.
Ito ay matapos maitala ang 4,637 na COVID-19 cases sa rehiyon mula Agosto 26 hanggang Setyembre 1 na mas mataas sa 4,147 na kaso noong Agosto 19 hanggang 25.
Paliwanag ng OCTA, katumbas ito ng 12 porsyentong pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa Metro Manila ay 33.20 kada 100,000 populasyon kaya maituturing na nasa critical level na ang rehiyon.
Posibleng bumaba naman sa 1 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus sa National Capital Region (NCR) sa ikatlong linggo ngayong Setyembre.
Gayunman, asahan pa rin ang mataas na naitatalang kaso kada araw sa NCR kahit bumagal pa ang two week growth rate.
Facebook Comments