12 NA TEMPORARY VACCINATION SITES PARA SA PAGBABAKUNA KONTRA COVID19, INILUNSAD NG LGU BAYAMBANG

Naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Bayambang ng labing dalawang (12) na temporary vaccination sites ukol sa pagbibigay at pagbabakuna sa mga residente ng kanilang first and second dose maging ng booster shots.

Para sa schedule na January 11 ng umaga ay gagamitin ang San Gabriel 2nd Covered Court at Beleng Covered Court; sa hapon naman ay ang Paragos Covered Court at Balaybuaya Covered Court.

Gagamitin din ang Inanlorenza Covered Court, Banaban Covered Court, Sanlibo Covered Court at Duera Covered Court para sa gagawing pagbabakuna sa January 12.

Ang Tanolong Covered Court, Caturay Covered Court, Batangcaoa Covered Court at Malioer Covered Court ang paggaganapan naman ng pagbabakuna para sa mga residente.

Ang hakbang na ito ng lokal na pamahalaan ay upang ilapit sa kada barangay at residente ang vaccination roll out nito upang mabigyan ng serbisyo ang lahat.

Ipinaalala naman na ang bakuna ay para sa lahat na edad 12 taong gulang pataas. Maaaring makipag-ugnayan sa Barangay Council para sa karagdagang impormasyon ukol sa Vaccination Program.

Sinisiguro naman sa bawat isa na lahat ng bakuna sa Vaccination Program ng Lokal na Pamahalaan ay LIGTAS at EPEKTIBO sa laban sa COVID-19 kaya’t hinihikayat ang lahat na magpabakuna na para sa kaligtasan lahat. | ifmnews

Facebook Comments