Nasa 13 na ang kaso ng Corona Virus Disease sa Maguindanao
Pinakahuling bilang ng mga nagpositibo ay mga nakaavail ng balik Probinsya Program.
Karamihan sa mga ito ay mula CEBU City.
Ngayong araw 11 ang naidagdag sa kaso ng COVID 19. Karamihan ay nagmumula sa Cebu City.
Nasa Isolation Facility lahat ang mga ito ng IPHO Maguindanao.
Matatandaang unang naitala ang isang indibidwal mula DAVAO City na nakarekober na, at nasundan ng isang istudyante mula Cebu noong byernes.
Kasalukuyang nasa maayos namang sitwasyon ang mga ito ayon pa kay IPHO Maguindanao Chief Dra . Elizabeth Samama.
Samantala, nagsimula na ring bumalik sa Maguindanao ang ilang OFW.
Agad ring sumailalim sa Health Protocols at Test ang mga ito ayon pa kay DOH BARMM Minister Dr. Safrullah Dipatuan.
Sasailalim rin ang mga ito sa 14 Day Quarantine.
Sinasabing nasa 200 OFW pa ang magbabalik Maguindanao sa susunod na mga araw.
12 nagbalik Probinsya Program sa Maguindanao, nagpositibo sa COVID 19
Facebook Comments