12 pang pulis ng Caloocan na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos, pinangalanan na

Manila, Philippines – Pinangalanan na ang labing-dalawang iba pang pulis ng Caloocan na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Ito ay bukod sa naunang apat na kinasuhan na mga pulis.

Labing-isa sa mga ito ay humarap sa preliminary investigation ng Department of Justice.


Kinilala ang naturang mga pulis na sina PO2 Arnel Cañezares, PO2 Diony Corpuz, PO2 Fernan Cano, PO1 Reynaldo Dan Blanco Jr., PO1 Silverio Garcia Jr., PO1 Ronald Herrera, PO1 Myrldon Yagi, PO1 Christian Joy Aguilar, PO1 J-Rossillini Lorenzo, PO1 Erwin Romeroso, at PO1 Ferdinand Claro.

Hindi naman nakadalo sa pagdinig kanina si PO1 Ceferino Paculan dahil hindi ito nakasama sa pinadalhan ng subpoena.

Ang mga bagong respondents ay bahagi ng police team na nagsagawa ng anti-illegal drugs operation na nauwi sa pagkamatay ni Kian.

Una nang kinasuhan ng murder at torture sina Chief Inspector Amor Cerillo, Police Officer 3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz, at PO1 Jeremias Pereda.

Facebook Comments