
Umakyat na sa 12 ang patay habang 28 ang sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) sa bahagi ng Tarlac Toll Plaza bandang 12:10 kanina.
Ayon kay Marvin Guiang head ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang sangkot na sasakyan sa karambola ay isang pampasaherong bus, isang 18 wheeler na truck, at dalawang kotse.
Aniya, kabilang sa nasawi ay anim na bata at anim na matatanda minor injuries naman ang tinamo ng 25 na pasahero ng bus.
Nangyari ang aksidente malapit sa toll plaza.
Ani Guiang, mabilis ang takbo ng Solid North na bus na nawalan ng kontrol kaya inararo ang mga nakahintong sasakyan nakapila mga sasakyan.
Ang pangatlo at pang-apat na sasakyan ang napuruhan dahil sa impact.
Lumikha ng pagbagal ng daloy ng trapiko bago makarating sa Tarlac Toll Plaza dahil sa aksidente.









