12 Patay Sa Magkahiwalay Na Pagsabog Sa Somalia

6

MANILA – 12 ang patay matapos bulabugin ng pagsabog ang isang hotel sa Mogadishu sa Somalia.Sa ulat, dalawang pagsabog at ilang putok ng baril ang narinig sa lugar pasado alas-7:00 kagabi.Agad namang inako ng grupong Al-Qaeda ang responsibilidad sa pag-atake.Ang isang pagsabog ay naitala malapit sa Peace Garden habang malapit naman sa Syl Hotel naganap ang isa pang pagsabog.Bukod sa mga namatay, 25 katao ang sugatan sa pagsabog.Nabatid na ito na ang ikalawang beses na may naitalang pagsabog sa Syl Hotel kung saan isang suicide bombing ang naganap sa lugar noong January 2015 na ikinasawi ng limang katao.

Facebook Comments