Cauayan City, Isabela- Agad na isinailalim sa 14-days quarantine ang 12 personnel ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan matapos magkaroon ng exposure dalawang nagpositibong pasyente na nakaisolate sa inilaang quarantine facility na katabi mismo ng Cauayan City Hall.
Ayon kay City Mayor Bernard Faustino Dy, sa kabila ng positibong kaso ay wala dapat ikaalarma ang publiko dahil hindi naman nakauwi ang mga ito sa kanilang tahanan.
Kinabibilangan ng Rescue team, healthcare worker at iba pang personnel ng DOH Region 2 ang kasalukuyan ngayong naka-quarantine.
Samantala, bagama’t isinailalim na sa Modified General Community ang Probinsya ng Isabela ay mananatili pa rin ang ilang local actions ng LGU para masigurong ligtas pa rin sa banta ng COVID-19 ang lungsod.