Quezon City – Sugatan ang labing dalawang preso, isa ang patay sa saksak at isa namana ng anmatay dahil sa bangungot matapos sumiklab ang riot sa Quezon City Jail kaninang alas kwatro ng madaling araw.
Ayon kay jail warden, Supt. Emelito Moral, nasa maayos na ang kalagayan ng mga sugatan preso, habang ang nasaksak ana miyembro ng Sputnik Gang ay dead on arrival sa Quezon City General Hospital.
At ang namatay sa bangungot na kinilalang si Edmon Domondon na mula sa Bahala Na Gang ay isinailalim na sa kaukulang disposisyon.
Ayon kay JO3 Erwin Magana, imbestigador ng QC jail, sa gitna ng riot kaninang madaling araw, sapilitang pinasok ng bahala na gang ang maintenance building saka nanghalihaw ng saksak na ikinamatay ng isang preso.
Habang ang labing dalawa sa mga preso na nasugatan ay sanhi ng mga inihagis na sari-saring bagay.
Ayon sa warden, dahil sa riot ay pansamantalang suspendido ang schedule ng dalaw sa mga preso, para sa isasagawang paghalughog sa mga selda, upang matiyak na walang nakatagong armas.
Dagdag pa nito, ang pinagmulan ng away, ay nang matabig ng isang preso ang balde ng tubig at natapon sa natutulog na inmate na miyembro ng Batang City Jail.
Hanggang sa magsigawan, kasunod ang batuhan ng anumang madampot na bagay.
Mataas na umano ang tensyon ng dumating ang SWAT team ng QCPD pero agad din napahupa ang tensyon.