12 pulis mula sa Northern Luzon, kinasuhan sa DOJ kaugnay ng shooting incident sa PNP-COMELEC checkpoint

12 Pulis mula sa Cordillera at Abra ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa shooting incident sa Philippine National Police – Commission on Elections (PNP- COMELEC) checkpoint sa Pilar, Abra noong Marso 29.

Namatay sa insidente si Sandee Boy Bermudo na tauhan ng vice mayor ng Pilar, Abra

Mga reklamong murder, perjury, at incriminating innocent persons ang inihain ng NBI laban sa mga opisyal at tauhan ng Cordillera at Abra PNP.


Kabilang sa mga inireklamo sina Cordillera Regional Director PBGen. Ronald Lee, PNP Abra Acting Provincial Director PCol. Maly Castillo Cula, at Pilar Municipal Police Station Chief PCapt. Ronald Eslabra, at walong iba pang pulis.

Sinampahan din ng reklamo si COMELEC Pilar, Abra Election Officer II Rodrigo Basa II.

Inireklamo rin ang ilan pang hindi tukoy na pulis na miyembro ng Regional Mobile Force Batallion 15, Pilar Municipal Police Station, at Provincial Intelligence Unit ng Abra Provincial Police Office.

Bubuo ang Office of the Prosecutor General ng panel of prosecutors na didinig sa mga reklamo.

Inihain ng NBI sa DOJ ang kaso upang maiwasan ang posibleng impluwensiya at intimidasyon mula sa iba’t ibang partido

Ayon sa NBI, ipinalabas ng ilang tauhan ng PNP na nagkaroon ng car chase at palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at mga pasahero ng puting van kung saan nakasakay ang biktima at mga kasamahan nito.

Facebook Comments