12 pulis na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero, sinampahan na ng kaso ng NAPOLCOM

Sinampahan na ng mga kasong administratibo ang labindalawang pulis na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay NAPOLCOM Investigation and Monitoring Director Edman Pares, may sapat na ebidensiya para sampahan ang tatlong opisyal at siyam na non-commissioned officers.

Kabilang sa mga isinampang kaso ay grave misconduct, irregular performance of duty, at conduct unbecoming of a police officer.

Isa sa matibay na naging batayan nito ang sworn affidavit ni Julie “Dondon” Patidongan.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroon silang panibagong hawak na testigo na magpapatibay sa pahayag ni Patidongan.

Tumanggi si Remulla na pangalanan ang testigo pero tiniyak na malaki ang magiging tulong nito sa kaso.

Facebook Comments