12 rehiyon sa bansa, naitaas na ang minimum wage ayon sa DOLE

Naitaas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang minimum wage ng mga manggagawa sa labing dalawang rehiyon.

Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, ang Region 10 at Region 11 na lamang ang hindi makakatanggap ng minimum wage increase.

Pero simula January 1, 2024, ipatutupad na ang dagdag sweldo sa Region 10 habang ang Region 11 ay maaaring sa February 2024 pa.


Samantala, tiniyak naman ng DOLE, na pinag-aaralan ng National Wage and Productivity Board ang lahat ng aplikasyon ng dagdag sweldo para mabigyan ng maayos na benepisyo ang mga manggagawa.

Facebook Comments