12 SAKO NG BASURA, NAKOLEKTA SA ISINAGAWANG DENGUE CLEAN UP DRIVE SA LA UNION

Nasa labingdalawang sako ng basura pawang magkahiwalay ang mga recyclables at non-recyclables ang nakolekta sa isinagawang Dengue Clean Up Drive sa bahagi ng Barangay Baccuit Sur, Bauang, La Union na siyang kampanya ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development sa pamamagitan ng Health Promotion Unit and Health Facility Development Unit.

Dalawang purok ang naging sakop ng naturang clean up drive kung saan sama-sama na naglinis ang DOH Ilocos at ng Municipal Health Office kasama ang iba pang lokal na ahensya tulad Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Barangay Officials ng Baccuit Sur, at mga residente ng barangay.

Paglilinis sa mga lugar at mga gamit tulad ng mga bote, lata, mga gulong at timba ang isinagawa ng hanay upang maiwasan itong pangingitlog at pamugaran ng lamok na may dalang dengue.

Naglalayon ang nasabing clean up drive na maisulong pa ang pangangalaga sa kalagayan ng kapaligiran lalo na sa komunidad upang makatulong na mabawasan ang kaso ng dengue. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments