12 search warrants isinilbi sa iba’t ibang grupong sangkot sa investment scams

Labing dalawang search warrants ang isinilbi ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Securities and Exchange Commission (SEC) sa iba’t ibang grupo na sangkot sa investment scams.

Ito ang kinumpirma ni Brig. Gen. Ferdinand Divina, deputy director ng PNP Directorate for Intelligence.

Aniya partikular na subject ng search warrants ang Organico Agribusiness Ventures Corp. na naka-base sa Cebu City, Ada Farm Agriventures sa Mandaue City, Cebu, Rigen Marketing at Ever Arm Any Marketing.


Sinabi naman ni Maj. Gen. Amador Corpus, director ng pnp-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na ang mga kompanya at korporasyon na naging subject ng search warrants ay mayroong initial permits mula sa SEC kaya ikinokonsidera nila ang kanilang grupong korporasyon.

Pero wala raw secondary permits ang mga ito para pahintulutan silang magsagawa ng investment.

Kinumpirma rin ni Corpus na may mga nakuhang dokumento ang PNP na nagpapatunay na may investment na ginagawa ang mga grupong subject ng search warrant.

Magagamit aniya ang mga dokumentong ito para ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Securities Regulation Code laban sa mga grupo.

Facebook Comments