Inanunsyo na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang senatorial line up ng administrasyon para sa 2025 elections.
Manggagaling sa limang political parties ang pasok sa Magic 12 slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Tatlo mula sa Partido Federal ng Pilipinas — ito ay sina dating Senador Manny Pacquiao, DILG Secretary Benhur Abalos, at Senador Francis Tolentino.
Dalawa naman ang hinugot mula sa Lakas – CMD — ito ay sina Senador Bong Revilla at Congressman Erwin Tulfo.
Apat ang galing sa Nationalist People’s Coalition — na sina dating Senate President Tito Sotto, Senador Lito Lapid, dating Senador Panfilo Lacson, at Makati Mayor Abby Binay.
Habang tatlo ang galing sa Nacionalista Party — na sina Senadora Pia Cayetano, Sen. Imee Marcos, at Deputy speaker Camille Villar.
Sa 12 kandidato, apat ang humawak ng cabinet rank at dalawa naman ang abogado.
Samantala, tanging si Sen. Imee Marcos lamang ang hindi dumalo dito sa convention dahil sa kaniyang prior engagement.