12 Signs na Gusto Ka Rin ng Crush Mo

This days hindi talaga malalaman kung paano mo malalaman na gusto ka rin ng Crush mo unless magsabi siya sayo. Sa panahon kasi ngayon ang mga kabataan ke-rurupok. Tanungin mo lang na “Kumain ka na ba?” inlove na agad ang mga chaka. May iilan din namang mga taong sweet sayo una palang pero kalaunan pinagtitripan ka lang din pala. May mga bagets naman na binibigyan ng meaning lahat ng mga ginagawa or sinasabi sakanila ng taong gusto nila.

Pero ayon sa aking mabusising pananaliksik at sa tulong ng aking mga kaibigan since hindi pa naman nangyayari sa akin ito. At alam kong iilan din sainyo di pa ito nararanasan. So eto na nga ang mga  12 signs na gusto ka rin ng crush mo:

  1. Kapag Consistent magparamdam. ‘Yong tipong from time-to-time nangangamusta siya. Kulang nalang isama mo siya kung sa lahat ng pupuntahan mo.
  2. Kapag kahit deads na yung conversation niyo gagawan niya ng paraan para mabuhay ulit ito. It’s either magbibigay siya ng bagong topic para may pag-usapan ulit kayo.
  3. Tanungin mo siya. Paano mo malalaman kung hindi mo siya tatanungin? Pakapalan na to ng mukha mga mamshie. Mas mabuting nang mabuhay sa masakit na katotohanan kaysa sa buhay na puno nang kasinungalingan at kahihiyan.
  4. Kapag Umamin siya sayo. Minsan kasi hinihintay ka lang niya umamin pero nga dahil mahiyain ka at may pride pa saiyo, siya na mag-aadjust para sayo.
  5. Kapag inalam niya ang interests mo and everything about you at kapag tanggap ka niya. Sinusuportahan ka niya sa mga gustong mong gawin. Kapag nakita na niya ang bad side, flaws mo pero tanggap ka pa rin niya.
  6. Kapag niyaya ka niya mag kape. At naulit pa nang naulit hanggang sa di mo narerealize nag de-date na pala kayo.
  7. Kapag nagbago siya. Kapag napapansin mong hindi na niya masyadong ginagawa yung mga bad habits niya. Like smoking, drinking, playing with random girls.
  8. He/she always finds time. Gagawa at gagawa siya ng paraan makausap o makita ka lang.
  9. Kapag pinakilala ka niya sa mga best friends niya, mga kamag-anakan niya. Lalo na sa parents niyo, pero ipapakilala ka palang niya as a friend.
  10. Kapag tinuruan ka niya maglaro ng DOTA, LoL, Mobile Legends, PUBG, ROS at kung ano-ano pang mga MOBA games. Then kapag nagpapaalam siya sayo pag mag iinom sila ng mga tropa niya.
  11. Kapag binigay niya sayo yung Social Media Accounts niya nang hindi mo hinihingi.
  12. Kapag nag-tweet ka nang “gusto ko ng jollibee” “nagugutom ako” magugulat ka na lang, after 1-hour kakatok na siya sa pintuan niyo at may dala na siya ng favorite foods mo.

 


Article written by James Christian P. De Jesus

Facebook Comments