Cauayan City, Isabela- Nakatakdang ipatupad ang labindalawang sub-projects sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive Integrated Delivery of Social Services National Community-Driven Development Additional Financing (KALAHI-CIDSS NCDDP AF) ngayong taon sa Calayan, Cagayan.
Una rito, nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang ahensya para sa proposed Concreting of Barangay Access Road sa Brgy. Dadao upang pormal na simulan ang implementasyon ng naturang proyekto sa bayan.
Bilang bahagi ng community-driven development approach program, binigyan ng oportunidad ang mga community volunteers upang ipakita ang 12 sub-projects noong isinagawa ang Participatory Situation Analysis kabilang ang pangangailangan ng public address system, communication devices and hygiene kits, at pagsasaayos ng sampung (10) barangay access roads.
Ang kabuuang halaga ng proyekto ay nasa mahigit sa P11 milyon na pinondohan ng ahensya ng mahigit sa P8 milyon at ang iba ay galing sa LGU Calayan.
Facebook Comments