12 sundalo sa Zamboanga, ginawaran

Zamboanga City – Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu ang 12 sugatang sundalo sa kanyang pagbisita sa Western Mindanao Command Headquarters, Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City.

Ang mga awardee ay bahagi ng 1st Brigade Combat Team, nasugatan sa pagsabog sa Indanan Sulu, noong June 28.

Ayon kay Western Mindanao Commander, Lieutenant General Cirilito Sobejana – kapuri-puri ang katapangan ng mga sundalong lumalaban para sa kapayapaan kung saan ang Pangulo na ang kumilala sa kanilang kabayanihan.


Tiniyak ni Sobejana na hindi mahahantong sa wala ang kanilang sakripisyo at palalakasin ang tactical at intelligence operations kontra terorismo sa Mindanao.

Facebook Comments