12 sundalong sugatan sa pakikipaglaban sa Maute group, binigyang pagkilala ni PBBM

PHOTO: RTVMalacañang

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kabayanihan ng 12 sundalong sugatan matapos makipaglaban sa mga miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group.

Mismong si Pangulong Marcos ang nag-abot ng tulong-pinansiyal sa mga sundalo na naka-confine sa Army General Hospital sa Fort Santiago, Taguig City.

Bukod sa financial assistance, ginawaran din ng pangulo ng Gold Cross Medal, Military Merit Medal with Bronze Spearhead Device, at Wounded Personnel Medal ang apat na wounded in action soldiers.


Matatandaang apat na operating troops mula sa 3rd Scout Ranger Battalion ang sugatan sa operasyon, noong January 25 at 26, sa Lanao del Sur.

Matagumpay ang tropa ng pamahalaan na na-nutralisa ang siyam na miyembro ng teroristang grupo, kabilang na ang suspek sa Mindanao State University bombing.

Ayon kay Pangulong Marcos, kinikilala ng pamahalaan ang katapangan at hindi matatawarang dedikasyon ng mga ito para protektahan ang sambayanang Pilipino.

Facebook Comments