12 taon na hindi umano pagbabayad ng NGCP ng franchise tax, tinuligsa ng isang kongresista

Binatikos ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng 3-porsyentong franchise tax sa loob ng 12 taon.

Giit ni Reyes, hindi makatarungan na sa halip bayaran ang franchise tax ay ipinabalikat umano ito ng NGCP sa mga consumers.

Nakakabahala para kay Reyes na mas pinili ng NGCP na ipasa ang responsibidad nito sa publiko kahit kayang kaya naman nitong bayaran ang franchise tax dahil base sa record ay mayroon itong net income na umaabot sa Php20 billion taon-taon simula noong 2011.


Ikinalungkot ni Reyes na kahit maraming penalties na ipinapataw sa NGCP ay patuloy itong kumikita kaya naman parang mas gusto na lang nito na magbayad ng penalties kesa kumpletuhin ang mga ipinangakong proyekto.

Giit ni Reyes, hindi dapat palampasin at dapat ay mapanagot ang NGCP sa umano’y mapang-abusong gawain nito.

Facebook Comments