12 TAONG GULANG NA BATA, PATAY MATAPOS MALUNOD SA ILOG

Cauayan City – Hindi na nakaligtas ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos itong malunod sa Pinacanauan River, sa Brgy. Centro, Peñablanca Blanca, Cagayan.

Ayon sa report, nagtungo ang biktimang si alyas “Macmac” sa bukid kasama ang kanyang nanay at mga pinsan upang sana ay kumuha ng mga mais.

Nang magkayayaan ang biktima at ang mga pinsan nito na maligo sa ilog, tumalon ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog na nagresulta sa kanyang pagkalunod.


Kaagad na ipinaalam ng mga kasamahan nito sa magulang ng biktima ang nangyari sa kanya kaya’t agad na humingi ng tulong ang mga ito sa mga awtoridad at nagtungo sa pinangyarihan ng insidente.

Nang maiahon, sinubukan pang irevive ng rescue team ng Peñablanca ang biktima at dalhin sa pagamutan ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot pa ng buhay.

Facebook Comments