Dinumog ng mga tricycle driver ang Pulso ng Metro at Radyo Trabaho teams kanina nang magsimulang mamahagi ng Noche Buena package sa Malolos Street, Bagong Barrio, Caloocan City.
Unang nabigyan ng pamasko package si Obbet Doctore na myembro ng Bagong Barrio Tricycle Operators and Drivers Association (BB TODA).
Bukod kay Doctore, nabigyan din ang apat niyang mga kasama sa BB TODA na sina Richard Letigio, Ronnie Dioalata, Jonathan Ybañez at Moises Antonio.
Isang driver naman mula sa Pangako Progreso Malolos Reparo (PAPMAR) TODA na si Roel Galabasa at dalawa sa North Diversion Road (NDR) TODA na sina Rolando de Belen at Hilario Tinizo, ang nabiyayaan din ng pang- Noche Buena.
Naabutan din ng Pulso ng Metro at Radyo Trabaho teams ng maagang pamasko sina Joseph Ramos, Lino Concepcion, Romualdo Amahan at Emmanuel Urbano.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng 12 tricycle driver sa Pulso ng Metro at Radyo Trabaho teams.
Malaking ginhawa umano sa kanilang mga pamilya ang Noche Buena package.
Sa mga tagapakinig ng Pulso ng Metro at Radyo Trabaho, manatiling nakatutok sa DZXL 558 Manila dahil baka kayo na ang aming susunod na susurpresahin.