12 unit’s ng RxBox Devices, Nakatakdang Ipamahagi sa mga piling RHUs sa Region 2

Cauayan City, Isabela- Natanggap na ng Department of Science and Technology (DOST) Region 02 ang unang labindalawang (12) units ng RxBox devices mula sa Ionics EMS, Inc. na ipapasakamay sa piling mga bayan sa buong rehiyon dos.

Ang RxBox ay isang Telehealth device na may kakayahang sukatin ang temperatura ng pasyente, heart rate, oxygen saturation, uterine contractions, at electrocardiogram.

Bukod dito, ang RxBox ay kasalukuyang binago bilang isang aparato ng telemetry para sa mga pasyente na na-ospital na may katamtaman at malubhang sakit na COVID-19, at muling ginagamit sa mga quarantine center ng regional, provincial, o district hospitals.


Ang nasabing aparato ay ipapakalat sa mga Rural Health Unit na naklasipika sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) kung saan sinusuportahan nito ang maternal-and-child health, management of cardiovascular diseases at iba pa.

Layunin ng hakbangin na ito na magbigay ng healthcare technologies sa bawat Pilipino na bibigyang pahintulot na ma-access ng mabuti ang mahusay documentation, diagnosis, at support for patient care.

Isa rin ito sa pagsisikap ng DOST na tulungan ang RHUs sa GIDA at upang mailapit ang mga serbisyo ng S&T sa mga tao.

Dagdag dito, ang devices na ito ay isasailalim rin sa Clinical Acceptance Test (CAT) na pangungunahan ng RxBox Regional Management Team (RMT) ng DOST para masiguro ang accuracy nito.

Ang CAT ay final evaluation sa bawat RxBox package bago ipasakamay ang mga ito sa clinical end-users primary care health professionals sa mga target na Rural Health Units.

Facebook Comments