Itinutulak ngayon ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang pagtatanggal sa 12 percent Value Added Tax ng mga produktong petrolyo.
Ito ay upang maibsan ang epekto ng malakihang taas-presyo sa LPG at langis na ipinatupad ngayong linggo.
Ayon kay Brosas, nagdudulot ng domino effect sa presyo ng mga batayang bilihin ang sunud-sunod na taas presyo ng mga produktong petrolyo.
Dahil dito, layon ng House Bill 481 na gawing exempted sa VAT ang mga produktong petrolyo gaya ng langis at LPG.
Kung maaalis ang 12% VAT ay makakatipid ang mga konsyumer ng mahigit P100 sa kada tangke ng gasul.
Facebook Comments