120 CIVILIAN VOLUNTEERS, NAGSIMULA NA SA 2024 BASIC CITIZEN MILITARY TRAINING

CAUAYAN CITY – Nagsimula nang sumailalim sa pagsasanay ang 120 civilian volunteers mula sa Probinsya ng Ifugao sa 2024 Basic Citizen Military Training (BCMT) kung saan ay susubukin ang kanilang tatag sa pisikal at mental, leadership skills, at maging ang kanilang pagkamakabayan.

Ang nasabing pagsasanay ay unang hakbang ng mga volunteers upang maging bahagi ng 1404th Ifugao Ready Reserve Infantry Battalion.

Mula sa iba’t-ibang public at private sectors ang lumahok sa programa na kinabibilangan ng mga doktor, lawyers, public servants, at mga entrepreneur.


Mahalagang hakbangin ang BCMT program para mapalakas ang pwersa ng mga local reserve para sa karagdagang pagbibigay ng proteksyon at serbisyo sa ating bansa.

Facebook Comments