120 HOUSEHOLDS, MAKIKINABANG SA FREE ELECTRIFICATION

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang Free Electrification Program 2025 sa bayan.

Nasa 120 na piling households ang makakatanggap ng libreng electrification.

Limitado ang slots kung kaya’t nakabatay ang pagrehistro sa first come, first served basis.

Ayon sa pamahalaan, papalitan nito ang paggamit ng fossil fuel para sa mas malinis na source ng renewable energy.

Dagdag pa rito, malaking hakbang tungong sustainable development ang programa sa pag-unlad ng household economies.

Ayon naman sa Department of Energy (DOE), mahigit 3.08 milyong households ang kailangan pa ng electrification sa taong 2028.

Facebook Comments