Nasa 105 bayan at 15 lungsod sa buong bansa ang tinukoy ng pamahalaan bilang “red” spots para sa May 9 elections.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga ito ang tututukan ng Philippine National Police (PNP) para maiwasan ang gulo at masigurong maayos ang magiging halalan.
Samantala, sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Head Police Lt. Gen. Ferdinand Divina na nasa kanila na ang listahan ng mga lugar at nakikipag-ugnayan na sila sa Commision on Elections (COMELEC).
Sa ngayon, hindi pa isinasapubliko ng COMELEC ang listahan habang patuloy na sumasailalim sa validation ang mga datos.
Facebook Comments