120 milyong dolyar business agreements, napirmahan sa pakikipagpulong ni PBBM sa mga Saudi business leaders

Ilang kasunduan agad ang napirmahan sa dinaluhang rountable meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang mga Saudi business leaders sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa isinagawang rountable meeting kahapon, sinabi nitong nasa 120 milyong dolyar na business agreements ang napirmahan.

Magbebenepisyo aniya rito ang 15,000 mga Pilipino para magkapagsanay at magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho lalo na ang mga propesyon ay nasa construction industry.


Hinikayat naman ng pangulo, ang mga business partners at future business partners ng Pilipinas sa isinagawang rountable meeting na sana ay magpatuloy ang magandang samahan sa pagitan ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia.

Naniniwala ang pangulo, na isang magandang oportunidad ito para patuloy na umangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ng pangulo, na kasalukuyan ay napanatili ng Pilipinas ang growth momentum na may 7.6% gross domestic product ng nakaraang taon na pinakamabilis na growth rate na naitala ng Pilipinas simula noong 1976.

Facebook Comments