120 na mga bagong bagon ng tren na gagamitin sa LRT Line 1 Cavite Extension Project, dumating na sa bansa

Ipapakita na ngayon sa publiko ang mga bagong dating na 120 na mga bagon ng tren na gagamitin sa LRT-1 Cavite Extension Project.

Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) kasabay ng ulat na nasa 52% na ang completion ng naturang proyekto.

Ayon sa DOTr, ang 120 na mga bagong bagon o light rail vehicles (LRVs) ay nanggaling pa sa bansang Espanya at Mexico na binili ng Duterte Administration.


Ito rin ang bubuo sa 4th Generation Trains sakaling matapos na ang konstruksyon ng LRT Line 1 Cavite Extension Project.

Sabi ng DOTr, sa pagtutulungan at koordinasyon ng ahensya, Light Rail Transit Authority, Light Rail Manila Corporation, Japan International Cooperation Agency, Mitsubishi Corporation, Construcciones y Auxiliar de Ferrocariles at CMX Consortium ay wala ng makakapigil sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng isinasagawang extension ng LRT.

Facebook Comments