Aabot sa 120 pamilya ang inilikas sa Muntinlupa City matapos ang pagbaha na idinulot ng Bagyong Quinta.
Ayon sa Muntinlupa Department of Disaster Resilience and Management (DDRM), 68 na pamilya ang inilikas sa Barangay Poblacion, 46 sa Barangay Buli at anim na pamilya naman sa Barangay Bayanan.
Nanatili muna sa multi-purpose hall at sa dalawang covered courts ang mga apektadong pamilya.
Tinitiyak naman ng lokal na pamahalaan ang pagsunod sa minimum health standards sa evacuation area upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 at iba pang sakit.
Binigyan naman ng pagkain at non-food assistance ng lokal na pamahalaan ang mga inilikas na residente.
Pinayagan naman na makauwi sa kanilang mga tahanan ang ilang mga lumikas na pamilya matapos na humupa ang pagbaha.