120 pamilya sa Maynila, inilikas dahil sa Bagyong Rolly

Alas-9:00 kaninang umaga nang simulang ilikas ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang 120 pamilya sa Baseco at Isla Puting Bato sa Tondo, Manila dahil sa Bagyong Rolly.

Ayon kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, ang mga residente ng Maynila na malapit sa dagat tulad ng Parola at Isla Puting Bato ay dadalahin sa Baseco Evacuation Site at sa Rosauro Almario Elementary School.

Habang ang mga ililikas naman sa bahagi ng Port Area, dadalahin sa evacuation centers sa Amado V. Hernandez Elementary School, Smokey Mountain at mga covered courts sa Barangay 105 at Barangay 128.


Binigyang diin naman ni Mayor Isko ang maghigpit na pagpapatupad ng health protocols lanan sa COVID-19 sa ginagawang paglilikas sa mga taga-Maynila na labis na apektado ng bagyo.

Para matiyak ang kalitasan ng publiko sa panananalasa ng bagyo ay nagbaklas na rin ang MDRRMO ng mga tent at billboard sa buong lungsod.

Samantala, dahil sa masamang lagay ng panahon ay ini-anumsyo ng Manila City Government na kanselado ang RFID Sticker Caravan ngayong araw sa Bonifacio Shrine, Kartilya ng Katipunan at ito ay itinakda sa November 14.

Facebook Comments