Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 1, 200 indigent beneficiaries mula sa mga bayan ng Solano, Aritao, Bagabag at Villaverde sa Nueva Vizcaya ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa pamamagitan ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM).
Kabuuang P4,400,000 tulong pinansyal ang naipamahagi sa mga benepisyaryo na nakakumpleto ng sampung (10) araw Cash-for-Work (CFW) activities sa kanilang mga nasasakupang bayan.
Ang RRP-CCAM ay isang pambansang programa na naglalayong palakasin ang katatagan ng parehong natural na mga sistema at ang urban built environment, pati na rin palakasin ang adaptive capacities ng mga vulnerable groups at komunidad sa bansa.
Ginagamit nito ang CFW modality para ipatupad ang iba’t ibang proyekto at aktibidad sa climate change adaptation at mitigation, disaster prevention, preparedness at rehabilitation.
Sa kabuuan, umabot na sa 2, 421 ang naserbisyuhan ng ahensya mula sa 4,450 benepisyaryo na lumahok sa pagpapatupad ng RRP-CCAM sa lalawigan.
Facebook Comments