1,200 na mga manggagawa, sumailalim sa pagbabakuna sa Maynila ngayong Labor Day

1,200 na mga manggagawa ang sumasailalim ngayong Labor Day sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa Maynila.

Ito ay mula sa kabuuang 5,000 na mga manggagawa na sumasailalim ngayong Araw ng Paggawa sa magkakasabay na pagbabakuna sa Maynila, Taguig at Quezon City.

Maaga pa lamang ay nakapila na ang mga manggagawa sa Palacio de Maynila sa Roxas Blvd. para sa pagtanggap ng COVID-19 vaccine.


Kabilang naman sa sumaksi sa ceremonial vaccination sa Maynila sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Trade Secretary Ramon Lopez, TESDA Sec. Isidro Lapeña, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang siyang gumawa ng master list ng mga manggagawang sumasailalim ngayon sa itinuturing na symbolic vaccination.

Ang mga obrero na itinuturing na essential workforce ngayong panahon ng pandemya ang mga sumalang ngayong araw sa vaccination.

Ito ay sa ilalim ng Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

Facebook Comments