Nakahanda na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagdagsa ng mga international arrival sa bansa na inaasahang lolobo sa 12,000 hanggang 14,000 ngayong buwan ng Abril.
Sinabi ito ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval kaugnay sa muling pagbubukas ng bansa sa mga biyahero mula sa lahat ng bansa.
Sa katunayan ayon kay Sandoval ay nakapagtala sila ng 13,535 arrivals noong unang araw ng Abril kung saan kasama na rito ang mga visa coutries.
Kaugnay nito, karamihan sa mga naitalang arrival ay mga Pilipino pa rin na galing sa Middle East.
Sa kabila nito, nakikitaan na ng unti-unting pagdami ng international arrivals mula sa Amerika, Japan at South Korea.
Facebook Comments