
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, humigit-kumulang 12,000 pulis ang naka-deploy sa strategic areas, kabilang ang 3,000 pulis sa paligid ng House of Representatives at kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Sinabi ni Torre na inaasahan kasi ang kaliwa’t kanang kilos-protesta mula sa mga makakaliwang grupo kaya’t todo higpit ang seguridad na kanilang ipatutupad.
Bagama’t walang natatanggap na seryosong banta, nakalatag na rin ang mga anti-criminality measures ng PNP tulad ng mga checkpoint, Task Force Manila Shield, at pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensiya para sa mas pinatinding seguridad.
Sa ngayon, may tatlong grupo ang binigyan ng permit para mag-rally sa tapat ng St. Peter’s Church, Sandiganbayan, at White Plains.









